Sa kabila ng matinding init, tuloy pa rin ang pagdiriwang ng mga residente sa Pangasinan at may pa boodle fight pa sa kanilang ikalawang Kanen Festival.
Sinabi ni Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na ang kamakailang pagbili ng Mobile Air Surveillance Radar System mula sa Japan ay magpapalakas sa ating kakayahang magbantay.
Pinagtibay ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang mahalagang ambag ng mga kababaihang Pilipino sa pagsugpo sa pagbabago ng klima at pagtatayo ng matatag na komunidad sa kanyang keynote speech sa isang climate resilience forum.
Hinikayat ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang DepEd at CHED na bumalik sa dating academic calendar mula Hunyo hanggang Marso bunga ng matinding init at patuloy na pagkansela ng face-to-face classes.
Ang Office of Civil Defense ay nagpapadala ng mga kinatawan sa mga LGU sa buong bansa upang ipalaganap ang kaalaman tungkol sa paggamit ng engineering solutions para bawasan ang mga pinsala dulot ng lindol.
Sa loob lamang ng tatlong araw matapos ipatupad ang mas mataas na presyo sa pagbili, ang National Food Authority ay nakabili ng 170,000 kaban ng palay.
Matapos maglabas ng mga safety tips para sa activity toys ang Food and Drug Administration, ipinaaalala ng EcoWaste Coalition sa publiko na pumili ng mga laruan na walang taglay na lead sa pintura.
37 professional anglers mula sa South Korea, Canada, Sweden, Hungary, United States, at Pilipinas ang maglalaban-laban sa ika-14 na Siargao International Game Fishing Tournament sa isla ng Surigao del Norte.